"bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo kung pwede mo nang ipasa ang testpaper? Kung wala ka nang maisagot, ipasa mo na, baka matukso ka pang mangopya, mahuli pa kita, edi naminusan ka pa"
ito ang linyang madalas sabihin ni Prof. De Guia (area coordinator ng jpia pup-cavite) samen tuwing nahahalata nyang para na kaming may mga pigsa sa puwet na di malaman kung anung pwesto ng pagkakaupo ang gagawin. Halimaw di ba??
2nd evaluation exam ng practical accounting part2 namen nun, at gaya dati, mga bangag na naman kami sa kaaaral, bago mag-exam, super plano na kami kung paanung "cheating arrangement" ang gagawin namen, kanya-kanyang review, nagtatanungan kung saang reviewer kaya kukuha si Sir ng exam, ocampo, roque o valix ba? o baka naman sa resa, cpar o prtc? sa dami nun, di na naman malaman kung panung aral ang gagawin, lalu na ako na hindi naman talaga masipag mag-aral, ayay (tai ako jan).
Oras na ng exam, laking gulat namen na sa ibang room kami pinag-exam, at hindi sa accounting lab, sira ang cheating arrangement! Pagkatanggap pa sa textpaper, halos mawindang ang buong pagkatao naming lahat. Pang out of this world ang hirap ng exam! Grabe, pakiramdam ko, lalabas na yung utak ko at tumakbo palayo sa testpaper na yun, hindi pa makalingon sa katabi dahil nasa likod namen si sir, konting galaw lang namen, kitang kita niya.
Pagkatapos ng exam, napagalaman namen na ang pinagkuhanan ng exam ay galing sa librong ginamit namen 2 years ago, nung 2nd year palang kami. Sino ba namang mag-aakala nun?
Grabe, halimaw talaga si Sir!...üä
2 comments:
fahahahaha baka gusto mo magpaturo sakin kung pano ang art ng pangongopya?? ^_^ 4th year na ko, civil engineering...hehe cguro kung d ako nangopya since 1st year baka wla pa kong 3rd year ngaun. ..bka lang naman. hehe tc po
cge nga po kuya, paturo! hehe.. grabe, hirap talaga akong mangopya, nauunahan ako ng takot na maminusan.. hehe..
Post a Comment