Monday, January 12, 2009

..ang dakilang bayani at ang dakilang tamad na iyakin..

nagbabasa ako ng libro ng buhay ni rizal kanina ehh, itinigil ko na dahil sa sumusunod na dahilan:

una: pinapatulog na ako ni mommy
pangalawa: tinamad na ako, ang haba naman kasi, 1-15 chapters! isipin mo yun, ang dami di ba, panu ko maipapasok lahat ng nilalaman nun sa utak ko (oo, meron din pala ako nyan, na paminsan minsan nakakalimutan kong nasa loob pala ng ulo ko, bihira kasi magparamdam ehh, lolz.)
midterm exam kasi namen dun bukas (mamaya pala dahil 12:55 am na) kaya kailangan kong aralin yun, kaso di na kaya ng utak ko, feeling ko susuka na siya, ehh may hangover pa ko sa evaluation exam namen sa p2 nung sabado, kaya ayun, may dalawang chapters pa kong kailangang basahin bukas, tapos irereview ko ulit ung 15 chapters, ehh 10am yung exam ko, goodluck saken!
pangatlo: mag-iinternet na lang ako.

Naisip ko lang, sayang naman na wala pang camera dati, sa dami ng napuntahang lugar ni rizal, di nya maipagmamayabang yun sa mga friends niya sa friendster lolz, di pa uso ang blog, kaya hanggang talaarawan nalang siya, di pa uso ang email, kaya nagtatyaga siya sa snailmail. wala pang airport sa pinas kaya hanggang paglalayag ang pagbabyahe niya, sayang di ba? hehe.

Anu ba yan, kung anu ano na naiisip ko, eh imposible namang mauso ang mga yun nung mga panahong yun. Pero sayang pa din.

Sa pagbabasa ko ng librong yun, at lingguhang pagtalakay namen ng bawat kabanata (naks! very tagalogy, ahaha) eto ang mga naging obserbasyon ko kay rizal:

si rizal ay isang gala

mahilig sa babae

mahilig mag-aral

isa ring emo, haha, napakasensitibo nya, minsang napuna lang siya ng hindi maganda ng isang propesor ay nawalan na siya ng ganang mag-aral

corny, oo totoo, pansinin mo sa mga sulat

mapagbiro, pero mukhang hindi nya sinasadya, inuulit ko, pansinin mo sa mga sulat at talaarawan niya

madaling mabighani sa mga bagay2x at babae, sa madaling salita, madaling mainlab. (pinangatawanan ko na ang pagtatagalog)

matigas ang ulo, kita niyo naman ang kinahinatnan di ba, binalaan na siya ng nanay niya (pero dahil dun, nakilala siya. hoooray!!)


marami pa yan eh, kaso pagod na kong mag-isip, saka ito naman ay epekto ng sobrang pagbabasa, hehe.. baka inlab na ko kay rizal. haha. (bby, bati tayo!)

akalain mo yun, naisip ko lang si rizal, instant blog post agad.. =)

2 comments:

Anonymous said...

Haha! I also love Rizal!! Kaya lang di ko pa masyado nabasa mga gawa nya e. Tamad ako mag aral dati.(kahit ngayon). Nakakatamad din kasi yung teacher. Pero dahil sa nabasa kong article ni sir ocampo sa inquirer tungkol sa noli me tangere and el fili, feeling ko must read talaga yun at enjoy basahin. bibili na lang ako ng magandang version pag nagka budget na.

Salamat nga pala sa pagbisita sa page ko.

Seee. Ü said...

@jb_hindiakoto- buti nalng ung exm namen dun, walang dates, hehe.. nakakaloka yun ehh.