Friday, January 16, 2009

malilimot ka ba?

Kung sa bawat pagbaha ng ulang gustong lumunod sa aking kabuuhan at mapanghamong hangin na humahampas sa kalamnan ikaw ang gustong kaagapay?
.
Malilimot ka ba?
Kung sa bawat pagdalaw ng panglaw sa aking sistema sa gitna man ng pag alalay ng mga kasama'y inasam pa ring katabi ka?
.
Malilimot ka ba?
Kung sa bawat ngiti ng umaga, sa pagluha ng dapithapon at paghihimagsik ng bukangliwayway inasam kong kasama ka?
.
Malilimot ka ba?
Kung sa bawat minuto ng aking pag-iral, sa bawat segundo ng paglaban at pagkabuwal- sa lahat ng panahon ikaw lang ang tanging sandalan.
.
Hindi ka nalimot kahit isang saglit.

No comments: